![]() |
|||||||||||||
|
|||||||||||||
|
Wala Naman Talagang ForeverGaya ng karamihan, naninawala din ako sa tinatawag nilang “forever.” Umasa na kapag nakita ko na si Mr. Right, magsasama at magmamahalan na kami ng walang hanggan. Akala ko sa kanya ako, at akin siya forever. Yung bang kahit anong oras paglingon ko nasa likod ko lang siya at di ako iiwan at ganun din ako sa kanya. Pero hindi pala. Minsan kahit gaano ka pa kasigurado, ang buhay ay sadyang walang kasiguraduhan. Maaring ngayon kasama mo siya, pero bukas baka magulat ka nalang wala na siya. Wala naman kasi talagang forever, eh. Ang meron lang tayo ay “ngayon”. Kaya habang nandyan pa, matuto tayong pahalagahan at wag tayo makampante na kahit kailan nandyan lang siya. Kung anong kaya mo iparamdam ngayon, iparamdam mo na. Kung anong di mo pa nasasabi ngayon, sabihin mo na. Para kahit bukas mawala man siya, wala kang pagsisisihan. Dahil wala naman talagang “Walang Hanggan” ang meron lang tayo ay “Habang Buhay.” Habang buhay para magmahal ng parang walang hanggan. (Source: sweeetposh)
Notes
|
|
||||||||||||
|
|||||||||||||